이런저런리뷰

Bat Kabaliw Minsan

나미옥이야 2018. 3. 18. 10:59

nabuang naka!

kainis kasi minsan paulit-ulit

sa bagay wala naman perpekto

baka kailangan sa life gantong moment

 

 

Alam mo yon minsan kainis lang, kasi nga bat kabaliw minsan huhuh. Minsan naman masaya rin na may tropang baliw o mga abnormal na kaibigan sa kakulitan pero kung parang paulit-ulit mga pangyayari na ayaw mo naman kalagyan at tila ba wala ka na choice, ay grabe ouch yon! Nakakainis at nakakasakal, pakiramdam ko bihag na ako at wala nang kalayaan. Sana maging maayos ang lahat at magkaron naman ako ng peace of mind. Bat kabaliw minsan kaya ah? Kayo po ba ano ang kabaliwan nyo? Hayyy sana maging okay na ako.

 

Minsan kasi praning lang tayo at nag-aalala ngunit minsan naman ay sumasakto sa hinala natin, kaya siguro kabaliw. Pero alam mo yon kailangan mo ng kaibigan na makakaintindi sa iyo at magpapayo para matauhan ka na ulit! Hindi mo yan kaya mag-isa bes, nandiyan mga kaibigan at kapamilya mo na tutulung sa iyo at higit sa lahat ay tulungan mo ang sarili mo! Wala nang hihigit pa na makatulong sa iyo kundi ang sarili mo!

 

Kahit na bat kabaliw minsan ang nasasambit mo, isipin mo na lang na kumalma ay umayon ka na lang sa agos ng buhay dahil wala naman permanente sa mundo. Ang importante ay malusog ka at ligtas sa anumang kapahamakan. Ang mga problemang iyan ay isang pagsubok lamang o kaya naman ay paraan upang maging mas matatag ka! Huwag mo na seryosohin ang laban at mag-let go na lang kung hindi na kaya. Maniwala sa sarili na may mas magandang kapalit na darating! Huwag na mag-isip ng ano pa man. Kalma lang bes!

 

Alam mo yon minsan kasi kahit na ano tiyaga natin, kung ang isang bagay ay hindi para sa atin mas mainam na pakawalan na lamang ito kesa higpitan pa ang hawak. Pareho lang kayo masasaktan o masasakal niyan. Ang pinakaimportante ay ang araw ngayon! Huwag mo na isipin na bat kabaliw minsan.