이런저런리뷰

Paano Lutasin ang Problema

나미옥이야 2018. 4. 4. 15:24

huwag masiyado problemahin ang problema

lahat ng bagay ay may solusyon

kaya natin gawan ng paraan yan

 

 

Kaibigan, paano lutasin ang problema kung wala ka na bang ibang maisip na paraan? Sa tingin ko, oras na para mag-let go sa isang bagay. Hayaan na lang at move on na! Iba naman ang isipin at magtiyaga. Alam ko na madali sabihin pero mahirap gawin, kaso ganoon talaga. Ayaw mo yon, malaya ka na?

Minsan, sa buhay natin darating sa point na mauubusan tayo ng lakas at pasensiya, ubos na rin ang ideya para lutasin pa ang problema, sa ganoong sitwasyon kahit na mahirap kalimutan ay ganoon na lang ang gawin.

 

Kasi, paano lutasin ang problema kung wala nang iba pang paraan? Ipagdasal na lang natin sa Diyos na tulungan nya tayo maging malaya sa mga problemang ito. Magpakatatag at ugalihing maging matalino sa susunod. Kaya mo yan! Kapit lang! Kahit gaano man kahirap kung paano lutasin ang problema, masosolusyunan yan sa pamamagitan ng paglimot kung kinakailangan. Kung nahirapan na tayo harapin ito mag-isa, humingi ng tulong at kung wala pa rin nangyari, ipagpaubaya na lang sa Diyos ang lahat.