티스토리 뷰

이런저런리뷰

Buhay Blogger

나미옥이야 2018. 4. 2. 23:00

nagblog ka na ba?

blog pa more!

pangmalakasan

 

 

Hay naku buhay blogger nga naman! Sulat dito, isip doon, diskarte rito, raket doon may maipost lang! Masaya at nakakasabik minsan wala rin ako maisip maisulat, ngunit gayon pa man mahal ko ang ginagawa ko! Iba kasi ang hatid na ligaya sa tuwing nagsusulat ako, ng kahit anong mga bagay naobserbahan ko dito sa mundo.

Masarap isipin na kahit paano may ideya o makatulong man lang ako sa iba sa maliit na paraan. Lahat naman ng experience sa buhay ng tao maari kapulutan ng aral, pwede gawin inspirasyon naman ang mga success stories at magbigay aliw sa iba. Pero sana mga kapatid na bloggers, wala naman gayahin at kopyahan ng articles ha hah! Nakakatuwa na nakakainis kasi minsan masakit isipin angkinin ng iba ang gawa mo lalo pinaghirapan mo. Tapos sa kanila ang credit, wahhh buhay blogger nga naman! Sana naman walang dayaan!

 

Peace lang po tayo, at maging madiskarte sa sariling paraan. Okay lang kumuha ng ideya pero ang mga pictures at mga mismong isinulat na salita, ibahin naman po ang style! Ang hirap kasi sa part ng original na writer, ouch yon po! Minsan tuloy parang gusto ko muna pahinga magsulat, kasi siyempre isip naman ako ng mas maganda strategy. Gawa naman ng new memories na pwede ko ishare. Saya naman di ba kahit pano?

 

Ang sarap isipin na marami kang readers at higit sa lahat napasaya ko sila. Yan po ang buhay blogger mga kaibigan. Dapat mabilis sa pag-isip, mabilis ang mga kamay magtype at creative ang isip! Mahalin po natin ang mga trabaho natin, kahit na unti lang ang balik sa atin. Ang importante marami tayong nabahagian ng mga aral at magagandang ala-ala, mga taong napasaya at natulungan natin. Ang sarap ng buhay blogger kahit na wala sweldo ha hah! Mahal po namin kayo mga readers at commenters namin, isama na rin pati bashers ha hah! Tuluy-tuloy lang po ang pagsusulat natin mga ka-bloggers at magbigay inspirasyon sa iba!

댓글